THE PHILIPPINES’ MOST EXPENSIVE LOVE TRIANGLE! – JINKEE PACQUIAO-MANNY PACQUIAO-KRISTA RANILLO


10-a-small 9-a-small

UPDATE: With more photos of Mocha Unson and Krista Ranillo kissing as captured from the blog of Mocha Unson. Please see MORE PHOTOS below!

manny krista jinkee manny krista jinkee 1

Pacman-Krista in US Jinkee Pacquiao loves Manny Pacquiao. Manny Pacquiao loves Krista Ranillo. Krista Ranillo loves Money este Manny Pacquiao! This statement was said to be true and in order based on Manny Pacquiao’s emotional status right now. Hehehe.

Well, that’s what is topping the headlines nowadays aside from his recent victory to Miguel Cotto. I wonder if this is just a mere publicity gimmick for Manny Pacquiao’s upcoming movie – WAPAKMAN or another form of political harassment perhaps?

Pacman-Krista in Baguio 1

Pacman-Krista in Baguio 2

This is just a typical lifestyle given to rich celebrities and politicians. Now that Manny Pacquiao is about to be a congressman, he is just trying to adjust to the lifestyle. Hehehe. More so, we cannot blame him if ladies are flocking him. He’s a star!

Anyway, I got this image from a link posted on my Twitter account by another user and I thought of sharing it to seek the truth about the said SMS. I am sure that Jinkee Pacquiao is not used to showbiz life yet but Manny Pacquiao has to secure her first.

I also saw a YOUTUBE video from the internet featured in another blog PINOY AMBISYOSO that I thought of sharing as well showing him driving a car with a lady said to be Krista Ranillo, the young starlet being linked to him. All these may just be coincidence perhaps but I do hope that Manny Pacquiao will get to value his marriage as well.

Jinkee Pacquiao has been with him for years since he started small until now. They have kids as well. If this is a case of INFIDELITY, I just hope that this be resolved soon because we do not want to see all the glory being put to waste!

True indeed that this JINKEE-MANNY-KRISTA is the Philippines’ Most Expensive Love Triangle and this will definitely cost Manny Pacquiao more than the value of his lifetime achievements and cash prizes combined – his family. Goodluck!

 

ANOTHER ARTICLE FROM PEP.PH – PHILIPPINE ENTERTAINMENT PORTAL

Krista-MannyManny Pacquiao and wife Jinkee reportedly had a big fight over Krista Ranillo

Glen P. Sibonga (PEP.ph)
Monday, November 16, 2009
12:01 PM

Sa kabila ng malaking tagumpay ni Manny Pacquiao sa laban nito kay Miguel Cotto ng Puerto Rico, hindi pa rin nakaligtas sa intriga ang Pambansang Kamao. Hanggang ngayon kasi ay hindi mamatay-matay ang isyu na diumano’y may espesyal na relasyon sa pagitan ni Manny at ng sexy actress na si Krista Ranillo, lalo na nga’t napabalita pang nasa Las Vegas din ang aktres, kasama ang pamilya nito, para manood ng laban ni Pacquiao.

Kinumpirma ng ilang sources ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na nasa Las Vegas nga si Krista at ang pamilya nito. In fact, sa PEP Alerts ay ibinalita na sa Luxor Hotel nag-check-in ang pamilya Ranillo. Doon din daw sa naturang hotel naka-check-in si Manny at ang kanyang entourage.

Kahapon, November 15, sa The Buzz ay isa sa naging paksa ng usapin ang naturang intriga. Matatandaang unang na-link kay Manny ang isa pang sexy actress na si Ara Mina, na nakatambal niya sa pelikulang Anak ng Kumander (2008). Matapos ngang putaktihin ng intriga noon si Ara, si Krista naman ang sumunod na ikinakabit sa pangalan ni Manny.

Noong November 8 episode ng The Buzz ay hiningan ng komento ang ina ng boksingero na si Mommy Dionisia Pacquiao tungkol intriga sa mga babaeng nali-link kay Pacquiao, na pinangalanang sina Ara at Krista nga. Pero todo tanggol naman si Mommy Dionisia sa anak.

"Ang daming humahanga sa kanya, lalo na sa mga babae. Hindi totoo ‘yang mga balita. Lalo na pati si Jinkee, sabi ko, ‘Wag na kayong maniwala sa balita kasi sikat ang mister mo. Ikaw ang pinaka-reyna ng General Santos sa tahanan ni Manny,’" wika ni Mommy Dionisia. (CLICK HERE to read related story.)

KRISTA IN MANNY’S LIFE.

Nagsimulang maiugnay ang pangalan ni Krista kay Manny nang magsama ang dalawa para sa pelikulang Wapakman, na entry sa Metro Manila Manila Film Festival ngayong Disyembre. Parang ganito rin ang naging sitwasyon nina Manny at Ara noong 2007 nang magsama sila sa pelikula hanggang sa maintriga. Ngunit mariing idinenay ni Ara ang pagkakaroon ng relasyon umano kay Manny.

Ayon sa mga nag-oobserba, pawang publicity lang daw para sa pelikula ang naglalabasang balita tungkol kina Ara, Krista, at Manny. Ngunit hindi pa rin tumigil ang daloy ng intriga. Hanggang sa sunud-sunod na balita na ang lumabas.

September 2009, lumabas sa kolum ni Ricky Lo sa Philippine Star ang balitang nakitang magkasama sa flight papuntang Hong Kong at pabalik ng Pilipinas sina Manny at Krista.

Ayon kay Ricky Lo, umamin sa kanya si Krista na totoong nakita niya si Pacquiao sa Hong Kong. Pero aksidente lang daw ang pagkikitang iyon sa isang mall. Patunay pa ng aktres, ang mga kaibigang kasama niya roon. Nagkasabay lang daw si Manny at ang grupo ni Krista sa eroplano sa kanilang pagbabalik-bansa. Nasa economy section daw ang aktres at nasa business class naman daw si Manny. Paglapag ng Manila, niyaya pa raw sila ni Manny na sumama sa kanila sa VIP line. Pero tumanggi raw si Krista.

Sunod naman daw, in-offer ni Manny ang kanyang sasakyan upang sabay na silang pumunta sa isang birthday party. Sa pagkakataong ito raw nakita silang magkasama ni Manny. At ayon kay Krista, "I have nothing to hide. I’m not guilty of anything."

Sa kolum naman sa isang tabloid ng talent manager-columnist na si Lolit Solis ay lumabas ang intrigang sa panahon ng pag-eensayo ni Pacquiao sa Baguio ay naroon din diumano si Krista, na sweet raw ang pakikitungo kay Manny.

Sa kolum naman ni Mario Bautista, maging sa Ondoy relief distribution ni Manny ay naroon din at nakaalalay si Krista, at naroon din ang ama nitong si Mat Ranillo III.

At ngayon nga ay patuloy sa paglaki ang intriga, dahil habang nasa Las Vegas si Pacquiao ay naroon din daw si Krista, kasama ang pamilya nito. Kinumpirma ng manager ng aktres na si Arnold Vegafria na nasa Las Vegas nga ang alaga niya, ngunit hindi nito tinukoy ang pakay ng aktres doon. Tingin ng manager ni Krista, ang turingan ng dalawa ay magkaibigan lang.

GINA’S INTRIGUING FACEBOOK ENTRY.

Lalo pang tumindi ang espekulasyon ng marami nang ilantad ng The Buzz ang isang malamang mensahe ng director-actress na si Gina Alajar sa kanyang Facebook status na tila nag-uugnay sa boxing champ na si Manny Pacquiao at kay Krista Ranillo.

Ayon sa Facebook account ni Gina, "If I am Jinkee Pacquiao I will not give up Manny… Krista Ranillo is not at all worth it!!!"

Ngayon, ano naman kaya ang pinanggagalingan ng biglang pagbubulgar ni Gina sa sinasabing ugnayan nina Manny at Krista?

Taong 2001 nang maghiwalay sina Gina at ang asawa nitong si Michael de Mesa. At dito nga ay naugnay ang pangalan ni Krista. Sa kolum ni Emy Abuan sa Pilipino Star Ngayon noong 2002, sa presscon ng isang pelikula, hiningan si Krista ng linaw tungkol sa napabalitang relasyon daw nito kay Michael de Mesa, pero kaagad namang pinabulaanan ng aktres ang intriga.

Tahimik naman ang kampo ng boyfriend ni Krista na si Direk Dominic Zapata. Ayon naman sa ilang sources, hiwalay na raw ang direktor at ang aktres.

Upang mabigyang linaw at matuldukan na ang lahat ng espekulasyon, sinubukang kontakin ng The Buzz si Krista. Ngunit walang sagot mula  sa kampo ng aktres.

JINKEE’S TEXT MESSAGE TO KRIS.

Pagkatapos ng VTR news na ito ay nagbigay ng komento tungkol sa isyu ang The Buzz hosts na sina Boy Abunda, Ruffa Gutierrez, at Kris Aquino.

Ayon kay Ruffa, na ang parents na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama ay nasa Las Vegas para sa laban ni Pacquiao, nandoon daw talaga si Krista with her family. Pero hindi niya raw sigurado kung saang hotel ito nag-i-stay, pero siguro raw ay sa Luxor Hotel.

Bumilib daw si Ruffa sa asawa ni Manny na si Jinkee dahil, ayon sa kuwento ng kanyang Mommy, sa kabila ng intriga ay ginampanan pa rin ni Jinkee ang pagiging isang "dutiful wife" na pinagsisilbihan si Manny.

Isang text message naman mula kay Jinkee ang natanggap ni Kris. Pinabasa niya pa ito kina Boy at Ruffa. Ayon kay Kris, shocking daw talaga ang laman ng text na ito kaya hindi puwedeng sabihin on air. Kinumusta pa raw niya si Jinkee kung okay daw ito at ang text back nito ay mag-uusap daw silang mag-asawa after the fight with Cotto.

Binantaan naman ni Kris sina Boy at Ruffa na ang pinabasa niyang text ay between the three of them lang at kung kumalat daw ito ay alam na ng mga tao kung sino ang nagkalat.

Hihintayin na lamang daw nila ang pagbabalik sa bansa nina Manny at Jinkee upang ang mga ito ang magbigay-linaw tungkol sa intrigang ito. Bukas din daw ang programa nila para sa paliwanag ni Krista.

Ayon naman sa ilang sources ng PEP na nasa Las Vegas, nagkaroon daw ng matinding away sina Manny at Jinkee bago ang laban ng Pambasang Kamao. Nalaman daw kasi ni Jinkee na pumunta si Manny sa hotel room ni Krista noong gabi ng November 13 (U.S. time).

Hindi rin daw nagpa-interview si Jinkee sa media. Nagkulong lang daw ang misis ni Pacquiao sa VIP room ng Mandalay Bay.

MORE PHOTOS

1-small2-small 3-small14-small 5-small6-a-small 7-a-small8-a-small  

Source: http://www.pep.ph/news/23880/Manny-Pacquiao-and-wife-Jinkee-reportedly-had-a-big-fight-over-Krista-Ranillo/1/1

http://mochauson.com/2009/11/19/krista-ranillo-knockout/