BLOG NI ELLA: DEE-ESS-DABALYOO-DI


 

Dee-ess-dabalyoo-di

Oct 2nd, 2009 by ella

Parang sing-song ang Dee-ess-dabalyoo-di, grabe. Annoying na, irritating pa. Ang sakit sa tenga kainis

I don’t get this. Ibig ba sabihin nito gagawan pa ng pera ng gobyerno ang mga donasyon kapag hindi dumaan sa Dee-ess-dabalyoo-di (accent on deee and yoo)? Sorry po, ayoko nang magmura pero hindi ko matiis. Tangina.

Unawain nating mabuti ang gustong mangyari ng ating pangulo. Medyo hindi kanais-nais ang dating nito eh. Ang kulet masyado ni Gloria sa Dee-ess-dabalyoo-di.

    “Donations done straight to private individuals are subject to donor’s tax, “BIR Commissioner Sixto Esquivias said. “Donations to government and charitable institutions are exempt.” Full report here

Parang may mali dito. Wala na bang patatawarin ang mga crocs na ‘to? Pati donasyon sa mga nasalanta ng baha, laman-tiyan din ng buwaya? Pakshet yata ah.

I know, I know, meron talagang donor’s tax sa ating batas pero joskonaman, hindi kaya dapat i-suspend o kaya i-waive muna ‘yon?

Alam ko rin na puwedeng abusuhin ng mga mapagsamantala ang exemption sa donor’s tax . Pero naman, sa pag-aarimuhan ng mga crocs sa makukupit na tax sa kanila, mas malaki ang mawawalang tulong sa mga biktima kapag ganyan. It’s not discouraging unscrupulous tax evaders. It’s discouraging donations to private individuals.

This is how I understand it. Please correct me if I’m wrong.

Let’s say taga-Merika ako at saksakan ng yaman. I want to donate 1 million pesos sa alma mater ko dahil nasalanta siya ng baha at maraming nasira. Pero ayoko nang padaanin sa Deee-ess-dabalyoo-di. Gusto ko deretso sa alumni association para mabilis at wala ng red tape.

My one million peso donation will be subject to 2-15% donor’s tax dahil hindi ko pinadaan sa DSWD. Gawin na nating 15%. Let’s do the math, guys.

WTF!? Kukunin ng gobyerno ang P150,000 ko??? Nag-donate na nga ako ng isang milyon, kakaltasan pa ako ng buwis na 150 thousand? Tama ba ‘yon? Naku ha, di bale na lang. Thanks but no thanks. Hindi na lang ako magdo-donate.

Kung sigurado akong ipangbibili ng mga rubber boats at kung anu-ano pang rescue gear ang kinaltas na tax sa akin, ok lang. Tatlo’t kalahating piraso lang yata ang rubber boats ng Pilipinas eh. Pero syempre hindi ko na malalaman kung kaninong bulsa mapupunta ang tax na ‘yon. Baka ipangkakain lang ng CAVIAR pag nagpasyal ulit sa NY.

Conclusion

Gusto kong mag-donate pero wala akong karapatan kung kanino ko gustong ibigay ang donasyon ko. Dapat lahat ng cash donations deretso sa Dee-ess-dabalyoo-di. Kung hindi, tatagain ako sa buwis. Unfuckingbelievable.

Akshuli may choice ako kung hind ko type ang Dee-ess-dabalyoo-di . Pero kung hindi dadaan sa kamay ng gobyerno ang cash donations ko, donor’s tax ang parusa ko. Interesting…very interesting indeed. Ang lupet ng utak.

Sa totoo lang…

Mamili na lang tayo kung alin dito ang original name ng tax na kakaltasin sa mga cash donations para sa biktima ni Ondoy. Parang disguise lang ang “donor’s tax” sa sitwasyong ito eh.

  • Komisyon sa donasyon tax?
  • Magkano ang akin diyan tax?
  • Porsyento ko tax?
  • Kickback tax (kick the victims when they turn their backs)?
  • Kotong sa biktima tax?
  • My cut tax?
  • Caviar tax?
  • Beach house tax? (cute hehe)
  • Who gives a shit to the victims tax?